ikww.com
  Delicious Cooking Recipe
Advertisement
  Quick Menu    Kitchen & Recipe How-To Tips    
                  
 Add a Recipe
 Request a Recipe

Find a Recipe blog

Internet Kusina is
brought to you by:
www.ofwhk.com
Recipe Menu
* Kitchen Entrance *
Pork, Beef, Seafood, Chicken, Vegetables
Refreshments, Appetizers, Soup, Pasta, Rice, Malagkit, Dessert, Salads, Pastries, Sweets, Condiments
Share your Recipe!
Delicious Recipe w/ photo
Recipe Blog
 
 Add to favorites
 Make Homepage
 
 
 
Path >> * Kitchen Entrance *
A blog of all section with no images
Tamang paraan sa paghahanda ng mga gulay PDF Print E-mail

Tamang paraan sa paghahanda ng mga gulay

Alinmang gulay, bago talupan o hiwain, hugasan muna. Huwag ugaliin na matapos balatan o hiwa-hiwain ang gulay ay saka huhugasan (lalo na kung maliliit ang pagkakahiwa) sapagkat sa ganyang paraan, ang ibang sustansya ng gulay ay matatapon, kasama ng tubig na punaghugasan.

Huwag labis na lulutuin ang mga gulay. Bukod sa di masarap ang gulay kapag lantang-lanta sa pagkakaluto, ay nababawasan pa ang sustansiya nito. isa pa, hindi magandang ihain ang gulay na durog o parang 'kalamay' dahil sa labis na pagkakaluto.

 
Paghahalabos ng hipon PDF Print E-mail

Paghahalabos ng hipon

Gaano karami ang tubig na isinasabaw ninyo kapag kayo ay naghahalabos ng hipon? Isang puswelong tubig? Dalawa o tatlong puswelo? Parehong mali! Hindi dapat lagyan ng maraming tubig ang hipon na ihahalabos.

May 'sekreto' ang mga hipon - may 'baon' na tubig sila sa kanilang balat. At ito ay kakatas sa sandaling mainitan o maisalang sa apoy. Kaya, hugasan lalang ang hipon, ilagay sa kaldero at timplahan ng kaunting asin. Kung malalai ang hipon ay maaring sabawan ng 3-5 kutsarang tubig. Pakuluan hanggang matuyuan.

Alimasag: Tulad din ng hipon ay hindi dapat na 'palutangin' ito sa tubig kapag lulutuin. Ang 1/4 - 1/2 puswelong tubog ay sapat na.

 
Tips sa pagpiprito ng Isda PDF Print E-mail

Tips sa pagpiprito ng Isda

Marami ang 'natatakot' sa pagprito ng bangus. Ang dahilan, pumipisik ang mantika sa sandaling maihulog ang bangus. At totoo ngang napakasakit ang mapaso ng kumukulong mantika.

May paraan para diyan. Bago prituhin ang bangus, pagulungin sa dinurog na tustadong tinapay (biskotso) o arina. Haluan ng kaunting vetsin ang durog na tinapay o arina. o kaya, kungdi ninyo gusto na nakabalot sa arina ang bangus, budburan ng ilang butil na asin ang kumukulong mantika bago ihulog ang bangus. Pagkatapos, takpan. Alisin ang takip at baligtarin ang isda kapag di na nakadirinig ng tilamsik sa loob ng kawali.

 
Tips sa pagluluto ng Isda na may sabaw PDF Print E-mail

Tips sa pagluluto ng Isda na may sabaw

Ang alinmang isda ay hindi dapat na pakuluan at lutuin sa sabaw nang napakatagal sapagkat madudurog. Ang lima hanggang walong minutong pagpapakulo ay sapat na.

Kapag lutuing may sabaw ang pagsasahugan sa isda, (halimbawang pesa, sinigang o swam) ay huling ihulog ang isda. Huwag hahaluin upang manatiling nasa ibabaw ang isda at nang madaling mahahango at di masisira kung ihahain na.

Kung ang isda ay pasisingawangan lamang o lulutuin nang nakaangat sa kumukulong sabaw, kahit na bumilang ng nga oras ay maaring hayaang nakasalang. Tulad ng isdang tulingan. Napakakapal ng laman nito at sadyang kailangan pasingawan nang matagal (hanggang dalawang oras na pagpapasingaw).

 
Paano malalaman kung mataba o hindi ang Alimasag? PDF Print E-mail

Paano malalaman kung mataba o hindi ang Alimasag?

Itihaya ang alimasag. Ang magkabilang dulo ng talukap nito at patulis. Sa gawing patulis na ito pindutin nang bahagya. Kapag malambot at waring ibig lumusot ang iyong daliri sa balat, ang ibig sabihin ay payat ang alimasag. Kung matigas naman at waring punung-puno ang bahaging iyon, nangangahulugan na mataba ang alimasag lalo na't mabigat ito kung titimbangin ninyo sa inyong kamay.

Ukol sa kasariwaan ng alimasag:

Sa kulay din makikilala ito. Kung malinaw ang kulay ng talukap at mga galamay, ibig sabihin ay sariwa. Upang lalong malatiyak, piliin ang buhay at gumagalaw pa.

 
Paraan ng pagpili ng sariwang isda PDF Print E-mail

Paraan ng pagpili ng sariwang isda

Marunong ba kayong kumilala ng sariwa at bilasang isda? Huwag ninyong sabihin na sa tigas o lambot ng laman nalalaman ang kasariwaan ng isda. Sapagkat mayroong mga bilasang isda na matigas ang laman nang dahil lamang sa pagkakababad sa yelo.

Sa kulay ng mga mata, ng hasang at maging ng katawan mapagkikilala ang kasariwaan ng isda.

Read more...
 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Results 71 - 80 of 218
 
Latest Recipe Blog
Popular Blog Items
Advertisement
 

Copyright © 2006 ikww.com - Internet Kusina World Wide