.
Add Entry

Inay garutay, nabisto PDF Print E-mail
 
 
 

Inay garutay, nabisto
Revie L. Nievo

Isang Pilipina na 48 taong gulang, may asawa at anak, ay balisang-balisa
ngayon matapos mabisto ng anak na binata ang mga kahiya-hiyang gawain niya
sa Hong Kong.

Si Aling Felicing (hindi tunay na pangalan) ay 13 taon nang nagtatrabaho sa
New Territories. Dahil umano puro mga bata ang naging kasamahan sa araw ng
day off ay nakahiligan na rin nitong gawin ang mga ginagawa ng mga
kaibigan, ang makipag-chat sa internet. Tuwing holiday ay puro pakiki-chat
sa mga lalaki ang inaatupag ng mga magkakaibigan.

Sa pamamagitan nito nakilala ni Aling Felicing ang isang Pilipinong
taga-Korea. Dahil sa may edad na ay hindi agad nagpakita ng mukha sa camera
si Aling Felicing. Nguni't hindi ito naging hadlang upang tuluyan na silang
magkagaanan ng loob ng ka-chat.

Hindi naglaon ay bumigay din si Aling Felicing sa hiling ng ka-chat na
mag-usap sila na may camera na nakatutok sa kani-kanilang mukha. Para
matupad ito ay naghanap muna si Aling Felicing ng isang "private room"
dahil hindi lang umano mukha niya ang gustong makita ng ka-chat, kundi pati
na rin ang pribadong parte ng kanyang katawan.

Sa umpisa ng kanilang chat ay naiilang pa si Aling Felicing na ipakita ang
mukha niya, at inuna muna ang parteng ibaba ng kanyang katawan. Pero nang
mapilit siya ng lalaki ay pumayag na rin siya, sa kundisyong sabay silang
magpapakita ng mukha sa camera.

Ganoon na lang ang gulat ng dalawa nang makita ang mukha ng isa't isa,
dahil ang ka-chat pala ni Aling Felicing ay ang anak niyang binata na
nagtatrabaho sa Korea!

Hindi nakilala ni Aling Felicing ang anak dahil ibang pangalan ang ibinigay
nila sa isa't isa bago nagpakitaan. Ayon kay Aling Felicing, todo mura ang
inabot niya sa anak, at sinabihan pa siyang huwag nang makipagkita sa
kanila dahil itatawag umano ng binata sa Pilipinas ang pinaggagawa ng nanay
niya sa Hong Kong.

Sa ngayon ay namimighati pa rin si Aling Felicing dahil sa hiya at takot na
mabisto. Nguni't kahit anong sisi niya ay mahihirapan na siyang makuhang
muli ang loob ng kanyang pamilya.

http://hkbigmind.blogspot.com/





Reddit!Del.icio.us!Google!Live!Facebook!Slashdot!Netscape!Technorati!StumbleUpon!Spurl!Wists!Simpy!Newsvine!Blinklist!Furl!Blogmarks!Yahoo!Smarking!BlinkBits!linkaGoGo!Free social bookmarking plugins and extensions for Joomla! websites! title=
 
< Prev   Next >