|
Inay garutay, nabisto Revie L. Nievo Isang Pilipina na 48 taong gulang, may asawa at anak, ay balisang-balisa ngayon matapos mabisto ng anak na binata ang mga kahiya-hiyang gawain niya sa Hong Kong.
Si Aling Felicing (hindi tunay na pangalan) ay 13 taon nang nagtatrabaho sa New Territories. Dahil umano puro mga bata ang naging kasamahan sa araw ng day off ay nakahiligan na rin nitong gawin ang mga ginagawa ng mga kaibigan, ang makipag-chat sa internet. Tuwing holiday ay puro pakiki-chat sa mga lalaki ang inaatupag ng mga magkakaibigan. Sa pamamagitan nito nakilala ni Aling Felicing ang isang Pilipinong taga-Korea. Dahil sa may edad na ay hindi agad nagpakita ng mukha sa camera si Aling Felicing. Nguni't hindi ito naging hadlang upang tuluyan na silang magkagaanan ng loob ng ka-chat. Hindi naglaon ay bumigay din si Aling Felicing sa hiling ng ka-chat na mag-usap sila na may camera na nakatutok sa kani-kanilang mukha. Para matupad ito ay naghanap muna si Aling Felicing ng isang "private room" dahil hindi lang umano mukha niya ang gustong makita ng ka-chat, kundi pati na rin ang pribadong parte ng kanyang katawan. Sa umpisa ng kanilang chat ay naiilang pa si Aling Felicing na ipakita ang mukha niya, at inuna muna ang parteng ibaba ng kanyang katawan. Pero nang mapilit siya ng lalaki ay pumayag na rin siya, sa kundisyong sabay silang magpapakita ng mukha sa camera. Ganoon na lang ang gulat ng dalawa nang makita ang mukha ng isa't isa, dahil ang ka-chat pala ni Aling Felicing ay ang anak niyang binata na nagtatrabaho sa Korea! Hindi nakilala ni Aling Felicing ang anak dahil ibang pangalan ang ibinigay nila sa isa't isa bago nagpakitaan. Ayon kay Aling Felicing, todo mura ang inabot niya sa anak, at sinabihan pa siyang huwag nang makipagkita sa kanila dahil itatawag umano ng binata sa Pilipinas ang pinaggagawa ng nanay niya sa Hong Kong. Sa ngayon ay namimighati pa rin si Aling Felicing dahil sa hiya at takot na mabisto. Nguni't kahit anong sisi niya ay mahihirapan na siyang makuhang muli ang loob ng kanyang pamilya. http://hkbigmind.blogspot.com/ |