.
Add Entry

Naaalala mo pa ba noon na: PDF Print E-mail

1. diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa

 

2. ang babae lang ang may hikaw

 

3. ang preso lang ang may tattoo

 

4. si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa

 

5. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud

 

6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa

 

7. diyes lang ang isang basong taho

 

8. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si manong na magtataho

 

9. chocnut, bukayo at kending vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo

 

10. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at matamis na bao sa umaga.

 

11. nagkaka-kalyo ka dahil sa manual typewriter pa ang ginagamit mo para sa school paper mo

 

12. kaya uso pa noon ang carbon paper

 

13. at tancho o superman ang pang-ayos mo ng buhok

 

14. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para  sa'yo para inumin mo bago matulog

 

15. nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala

 

16. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo

 

17. computer cards ang iyung tinutupi para maging barilbarilan

 

18. singkwenta sentimos lang ang songhits

 

19. pango pa si Vilma

 

20. kay paeng yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita

 

21. sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit

 

22. pinagtatawanan ang kalbo

 

23. hindi uso ang gusot ang buhok at damit

 

24. nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay pa ang panty at pusod.

 

25. lalaki pa noon si ernie maceda at senator sonny osmena

 

26. hostess pa ang tawag, ngayon GRO na

 

27. sa escolta ka namimili ng pamasko mo

 

28. payat na payattt ka pa noon

 

29. highway 54 pa noon at wala pang EDSA.

 

30. malago pa ang buhok mo

 

31. Jingle lang at Songhits nakakanta na.. ngayon naka Karaoke pa.

 

32.  $1.00  =  4 pesos

 

33. Si Dolphy matanda na, hanggang ngayon buhay pa at nag aanak pa.

 

34. Sa Quiapo dati "praise the lord", ngayon "salaam alekum" na.

 

Kung naaalala mo pa yan eh  ..

tsk tsk MATANDA KA NA!!!  Ako di ko na matandaan ito… at di ko na naabutan… Nyahahahahahahaha!

 

 ================================

(sent by emaill from T2 Reds. thank you!)





Reddit!Del.icio.us!Google!Live!Facebook!Slashdot!Netscape!Technorati!StumbleUpon!Spurl!Wists!Simpy!Newsvine!Blinklist!Furl!Blogmarks!Yahoo!Smarking!BlinkBits!linkaGoGo!Free social bookmarking plugins and extensions for Joomla! websites! title=
 
< Prev   Next >