.
Add Entry

Naaalala mo pa ba noon.. PDF Print E-mail

 

 

Naaalala mo pa ba noon..

1. diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa

2. ang babae lang ang may hikaw

3. ang preso lang ang may tattoo

4. si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo  nababasa

5. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud

6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa

7. diyes lang ang isang basong taho

8. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic
cups noon si manong na magtataho

9. chocnut, bukayo at kending vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo

10. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at matamis na bao sa
umaga.

11. nagkaka-kalyo ka dahil sa manual typewriter pa ang ginagamit mo para
sa school paper mo

12. kaya uso pa noon ang carbon paper

13. at tancho o superman ang pang-ayos mo ng buhok

14. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para  sa'yo para inumin mo bago matulog

15. nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala

16. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang
kaibigan mo

17. computer cards ang iyung tinutupi para maging barilbarilan

18. singkwenta sentimos lang ang songhits

19. pango pa si Vilma

20. kay paeng yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita

21. sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit

22. pinagtatawanan ang kalbo

23. hindi uso ang gusot ang buhok at damit

24. nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay
pa ang panty at pusod

25. lalaki pa noon si ernie maceda at senator sonny osmena

26. hostess pa ang tawag, ngayon GRO na

27. sa escolta ka namimili ng pamasko mo

28. payat na payattt ka pa noon

29. highway 54 pa noon at wala pang EDSA.

30. malago pa ang buhok mo maski na saan
 
31. Jingle lang at Songhits nakakanta na.. ngayon naka Kareoke pa.
 
32.  $1.00  =  4 pesos
 
33. Si Dolphy matanda na, hanggang ngayon buhay pa at nag aanak pa.
 
34. Sa Quiapo dati "praise the lord", ngayon "salaam alekum" na.

Kung naaalala mo pa yan eh  ..

  tsk tsk MATANDA KA NA DENG!!!





Reddit!Del.icio.us!Google!Live!Facebook!Slashdot!Netscape!Technorati!StumbleUpon!Spurl!Wists!Simpy!Newsvine!Blinklist!Furl!Blogmarks!Yahoo!Smarking!BlinkBits!linkaGoGo!Free social bookmarking plugins and extensions for Joomla! websites! title=
 
< Prev   Next >